CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, November 29, 2009

This is it! (speech ko)

Ang lahat ay mayroong dahilan, hindi ko man maintindihan ngayon, alam kong ipaiintindi rin sa akin ng pagkakataon at ng Diyos. Ito ang laging nasa isip ko simula noong nalaman kong kailangan kong mag-extend ng isang sem dito sa CLSU.
Ako ay isang simpleng estudyante lamang na tulad ng marami na nakaranas na magkaroon ng incomplete, mangulit at maghabol sa mga teacher. Sa ilang taon ng aking pag-aaral, hindi ko narasanasan na maging university scholar o college scholar man lang. Masaya at kontento na ako kapag nakikita ko ang aking admission slip na walang bagsak at regular ang status ko bago mag-enroll sa panibagong sem. At hindi ko kailanman inakala na ako ang tatayo dito sa harap upang magsalita sa inyo. Hindi ko rin naranasan na magbigay ng talumpati sa ganitong mga pagtitipon. Tunay nga na ang buhay ay punung-puno ng sorpresa.
Ang pagtanggap sa isang sem na extension ang pinakamahirap na pangyayari sa akin. Hindi ko dati maintindihan kung bakit kailangan pang mangyari ang ganun. Siguro nga marahil kailangan kong harapin ang pagsubok dahil pinili kong maging probationary sa aking dating major at nang hindi ko naabot ang kailangang grade, kailangan kong lumipat sa ibang major. Madalas kong iniiyakan ang pangyayaring yun sa aking buhay. Naisip ko rin na lumipat na lang sa ibang pamantasan. At may mga pagkakataon din na nahihiya ako sa aking magulang dahil sa nangyari. Binibigay niya lahat ng aking pangangailangan tuwing ako’y magsasabi.
At alam kong mayroon din kayong sariling kwento at kanya-kanyang dahilan na tulad ko, kung kaya’t ngayon magtatapos.
Gayun pa man, kahit naging ganoon ang aking sitwasyon hindi ito naging dahilan na sumuko sa mga dapat harapin. Tulad nga ng sabi ng marami, gawin mo itong isang inspirasyon at pagpapala na muling bumangon. Para sa akin, ang lahat ay pagpapala kahit ito ay nagdulot sa iyo ng hirap o pighati sapagkat ito ay binigay sa iyo ng Diyos upang mapaunlad mo ang iyong sarili.
Tulad nga ng sabi ni Ma’am Roda, tayo ang mga estudyanteng punung-puno ng karanasan dahil mas mahaba ang ating panahon ng pag-aaral at mas maraming pagsubok ang dumating. At sa nagdaang mga pangyayari sa ating buhay, sana ay hindi lamang tayo tumanda bagkus tayo’y nagtanda sa ilang sem ng pag-extend.
Naalala ko pa noong ako’y second year pinili kong maging probationary sa pagiging English major, kailangan kong makakuha ng average of 2 sa tatlong major ko para maretain ngunit nangyari ang hindi ko inaasahan. Kaya naman, kailangan kong lumipat sa ibang major, ang tanong ng marami bakit Filipino ang major ko. Filipino lang ang sabi ng ilan. Ang laging sagot ko sa kanila’y hindi ako banyaga sa sarili kong bansa. Ngunit hindi nila maintindihan kung gaano ang pagsisikap ko upang makakuha ng magandang marka. Walang madali sa pag-aaral, nasa pagsisikap lamang ito ng isang estudyante.
At sa pagkakataong ito, nalaman ko ang tunay na dahilan at kasagutan sa lahat ng aking katanungan noong panahon na wala akong magawa kundi tanggapin lahat ng pangyayari sa buhay ko.
Ang karangalang ito ay hindi sa ating ikadadakila kundi sa ikadadakila ng Panginoon na nagbigay ng lahat ng ating pangangailangan. Nais kong ialay ang parangal na ito sa Kanya.
Marahil pagkatapos ng graduation, marami sa atin ang maghahanap na ng trabaho, mag-aabroad, mag-aaral ulit o mag-aasawa kaya. At katulad nga ng salitang commencement, na ating pagtitipon ngayon, na mula sa salitang commence na ang ibig sabihin “to begin or to start,” ito ay isang simula ng panibagong karera ng ating buhay, mas maraming pagsubok, mas malalaking problema ngunit mas nakasasabik. Sana saan man tayo makarating, huwag nating limutin ang ating pinanggalingan at alalahanin ang mga taong naging bahagi ng ating tagumpay.
Nais kong pasalamatan ang aking magulang, na sa loob ng labing pitong taon, tumayo bilang ina at ama sa aming magkakapatid. Isa sa mga nagbigay ng inspirasyon sa akin upang makamit ang aking mga pangarap. Nais ko ring pasalamatan ang Christ in Central Luzon Campus Ministry na naging pamilya ko dito sa CLSU habang malayo ako sa amin, at kay Ptr. Roberto Pascual sa kanyang mga panalangin at tumayo bilang ama ko dito.
Lubos kong ipinagpapasalamat ang mga taong ginamit Niya sa atin, sa mga guro na nagtiyaga sa pangungulit namin para makapag-enroll at naging inspirasyon , sa mga kaibigang nagpapalakas ng loob sa pagharap ng mga pagsubok at sa ating mahal na magulang na walang sawang nagbigay ng suporta at pagmamahal kundi po dahil sa inyo wala po kami ngayon. Ito ang panahon na magpasalamat sa ating mga magulang, sa kanilang mga sakripsyo upang tayo’y makapagtapos.
Maraming maraming salamat. Ang lahat ng ito ay para sa inyo.
Congratulations po sa ating lahat. Magandang araw. God bless!
-Wilmae S. Doroni
CED-CLSU
november 24,2009

Friday, February 6, 2009

thank God always!

whew..i's been a great week...

kahit maraming exam, requirements etc.. i really praise God for He always provide me everything I need.

i am BLESSED!


there are really lot of struggles in our life...but then it is given to test our faith to Him. Dont ever neglect God in good or even bad times!

Pray...
have Faith
TRUST in HIM!

Tuesday, July 8, 2008

Friday, February 29, 2008

Saturday, February 2, 2008

Testimony

It's always very unsual when you hear this word :testimony!
Probably we usally encounter it when we are in the church...


Let me share a story to you... it was night. Very dark night. For me it's very usual because I was so young then...and unexpected event happened...


I am a testimony of that unforgettable night.Mama and Papa were talking about something. All i could remember is that they were both happy in discussing. In short, that night was so peaceful. No mark of any tragic will happen.


Then out of a sudden I heard something that big noise. Unusual noise!


I run to my mother. I got scared! so scary!


But then, out of curiosity,I saw my mother crying. I don't know why. I came near to her. I saw him...filled with blood on his body! I can't remember what was my reaction that moment...


All I could remember was my youngest brother was hit by a gun. But thanks God, because He didn't let my brother die with my father.


Indeed, it was so tragic but behind all this circumstance I do believe that God has always the great purpose behind.


So don't wait the time when you can't express your love to your parents, when you will regret the time that you never say "I LOVE YOU!" Just a simple words but that will make our parents' heart filled with gratitude.